Isa sa mga pinakasikat na attraction sa isla ng Boracay ay ang mga "Fire Dancers" o ang tinatawag na "Fire Dance". Sa pagsapit ng gabi naguumpisa ang mga establisimento sa kani-kanilang mga pakulo para makaakit ng mga customers.
Isa ang "Fire Dance" sa mga pang-akit na ito. Sa saliw ng iba't ibang tugtugin ay sabay-sabay na magsasayaw ang mga dancers hawak ang tali na may apoy sa dulo. Sadyang nakakamangha dahil isang pagkakamali ay maaring masunog ang kanilang buhok o anumang parte ng katawan sa maling pagpapa-ikot nito.
Ito ang isa sa mga nakakaaliw na night life sa Boracay bukod pa sa napakagandang tanawin at nakapagandang beach front. Isa ang show na "Fire Dance" sa dinarayo ng mga turista o balikbayan dito sa isla ng Boracay. Malaki ang naitulong nito sa pag-unlad ng isla at dahil dito mas lalong nakilala ang Boracay hindi lamamg dito sa Pinas ngunit maging sa buong mundo.
Kaya kung gusto mong makakita o mapanood ang ganitong palabas ay halina sa isla ng Boracay. Tamang-tama sa mainit na panahon ang malamig na alon ng dagat sa isla na ito. Bonus pa ang mga shows na mapapanood mo tulad ng "Fire Dance", masasarap na pagkain, masasayang tao, magagandang tanawin at iba't ibang water sports sa buong isla ng Boracay. It is really more fun in the Philippines.
Narito ang isa sa mga kuha kong video ng "Fire Dance" noong ako ay magpunta ng Boracay. Enjoy at halina na kayo sa Boracay.