Linggo, Abril 16, 2017

GUNPLA EXPO WORLD TOUR (GUNDAM PLAMODEL EXPOSITION) PART 1

Isa ako sa mapalad na nakapunta sa kauna-unahang GUNPLA Expo World Tour ngayong 2017 sa Pilipinas. Ito ang una sa mga series ng GUNDAM Exposition na gaganapin din sa iba't-ibang mga bansa sa mga susunod na buwan. Mapalad tayo dahil dito unang nagpunta and World Tour na ito. Narito ang ilan sa mga sarili kong kuhang pictures gamit ang aking camera. Hinati-hati ko ang mga ito sa 5 Parts dahil sa dami ng mga pictures na nakuhanan ko.

Sobrang daming tao din ang nagpunta noong unang araw pa lang ng pagbubukas nito kaya minabuti kong sa huling araw na lang pumunta para walang masyadong tao. Para na rin makuhanan ko ng maayos ang lahat ng mga laruan at life sized na model. Ang maganda sa Expo na ito ay libre ang entrance at pwede kang bumili ng mga laruang Gundam Model na gusto mo. Ito nga pala ay ginanap last February 25-March5, 2017 sa Main Mall Atrium ng SM Mall of Asia Pasay City, Phlippines.
















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento