Ang "Globamaze" ay matatagpuan sa gitna ng SM Mall of Asia roundabout sa Pasay City, Philippines. Ito ang kaisa-isang 360 degrees electronic billboard sa harap mismo ng SM Mall of Asia. Isa itong giant globe na kumikinang sa kadiliman ng gabi sa liwanag ng iba't ibang kulay nito. Sa dami ng mga nakakabit na LED lights sa kabuuan nito ay nagmistula itong napakalaking ilaw sa daan sa paligid ng roundabout na ito.
Minsan trapik, minsan maluwag at minsan ay puno ng seguridad dahil na rin dito dumadaan ang maraming VIP lalo na kapag may okasyon o pagtitpon sa Pinas. Daanan din ito ng iba't ibang way patungo sa iba't ibang parte ng kamaynilaan. Halos karamihan ng bus at jeep na papuntang Edsa ay dito umiikot sa roundabout dahil ito ang hangganan ng Edsa pa-southbound. Sobrang nakakamangha ang laki nito na gawa sa steel at sa taas at laki nito ay isang naging magandang atraksyon s'ya sa karamihan ng dumadaan dito. Halos araw-araw nga ata ay may napapa-picture dito o nagse-selfie.
Nakakatuwang pagmasdan ang iba't ibang mukha ng "Globamaze" dahil na rin sa iba't ibang figures na lumalabas at pinapakita dito. Sa mga kuha kong pictures ay nagmistulang parang Smiley Emoticons ang bawat figures kung titingnan sa malayo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento